Sa ngayon na wala pang aprubadong gamot sa COVID, kailangan natin ng preventive action and practices laban sa epidemyang ito. Dahil prevention is always better than medication. Para magawa natin ito, kailangan nating palakasin ang ating immune system. Mayron tayong dapat gawin at dapat iwasan lalung lalo na sa mga pagkain at inumin na pumapasok sa ating katawan. Kaya kung maari, mga kinakailangan lamang sa nutrisyon ang ating kakainin at iinumin. Kung tayo ay kakain at iinom lamang para masiyahan, lalong mas mataas ang risk na humina ang immune system at magkasakit. Kaya marami ang nagdi detox, nagi exercise o hindi kaya ay umiinom ng mga food supplements. Sa ating mga pagkain at inumin, bahagi na ang mga pampatamis para maging masarap sa panlasa. Pero hindi lahat na pampatamis ay nakabubuti sa katawan. Madalas ay nakakasama. Sa kabutihang palad, maari tayong mamili ng mga pampatamis. Ang mga sumusunod ay maari nating pagpipilian: Artificial sweeteners buhat sa asparta...