FAQ

                    Frequently Asked Questions

1.      What is Raw Wild Honey? [Ano ang Raw Wild Honey?]
 Sagot:
Ang aming Raw Wild Honey ay pulot na inani direkta mula sa mga bahay-pukyutan na madalas matatagpuan sa mga puno sa kagubatan.
Ito ay hindi inaruga maliban sa pag-iingat na hindi magkandamatay ang mga pukytuan habang inaani at hindi masira ang bahay-pukyutan upang mabilis dumaming muli ang maiprodyus na pulot.
Ang naaning honey o pulot ay direktang inilagay na hindi iniinit at hindi rin sinasala sa bote. Kaya’t maraming suspended residue na makikita sa loob ng bote. Ang mga ito ay ang mga microscopic bee pollens, enzymes, vitamins and minerals.
 
2.      What makes Raw Wild Honey different from honey? [Anong pagkakaiba ng Raw Wild Honey sa ibang honey?]
Sagot:
Ang Raw Wild Honey ay iba sa Wild Honey dahil ang huli ay maaring sinala at ininit ng mahigit 60°C.
Ito rin ay naiiba sa honey na karaniwang makikita sa mga supermarket at grocery stores. Ang nasabing mga honey ay tira ng mga proseso para kuhanan ng mga elemento ang pulot sa paggawa ng food supplement gaya ng bee pollens at pampatigas ng pagkain gaya ng bees wax mula sa beehive. Ang natitira ay hinahaluan ng high fructose corn syrup na may halo ring asukal para magmukhang orihinal ang consistency.

3.      Is your Raw Wild Honey pure? [Puro ba ang inyong Raw Wild Honey?]
Sagot:
Ang aming honey ay pure Raw Wild Honey. Nariyan pa ang mga pollens, enzymes, honeycomb crumbs, vitamins and minerals at iba pang nutrients para sa mga baby bees at paanaking queen bee. Ito ay hindi pa dumaan ng processing gaya ng heating and filtration kaya intact lahat ng orihinal na enzymes, vitamins and minerals.

4.      Is your honey genuine? [Ang inyong honey ay tunay ba?]
Sagot:
Ang aming honey ay unprocessed at walang nabago at pagkakaiba sa mga honey sa loob ng beehive maliban sa hindi na magbabago ang kanyang ratio ng glucose sa fructose.

5.      How to know and make sure your honey is not fake? [Paano malaman at matiyak na ang inyong honey ay hindi peke?]
Sagot:
Makikita ang dust of tiny bubbles na hindi makalutang sa ibabaw ng honey at mga namumuong bee pollens and honeycomb crumbs sa itaas na bahagi ng honey. Ang kulay ng mga ito ay mas maitim-itim kaysa honey. Ito ay mas matibay na palatandaan ng genuine Raw Wild Honey.
Ang honey sa supermarkets na sagana sa high fructose corn syrup ay pumapasa sa mga tests na makikita sa internet. Pero ang ganitong uring honey ay masama sa kalusugan.

6.      Is your honey clean? [Malinis ba ang honey ninyo?]
Sagot:
Ang aming Raw Wild Honey ay naka pack sa sterilized soda/softdrink bottles para maging matibay sa biyahe at nang hindi basta ma-contaminate ang laman nito.

7.      Why does your honey have floating matter? [Bakit may lumulutang sa inyong honey?]
Sagot:
Ang mga nakalutang ay mga magkahalong bee pollens at honeycomb crumbs. Anag mga ito ay malinis at maaring konsumohin.

8.      Why does your honey crystallize? [Bakit namumuo ang inyong honey?]
Sagot:
Ito ay tanda ng tunay at purong honey. Mangyayari ito kapag nag mature na ang honey. Kapag may residue gaya ng pollen at honeycomb na tumigas at nag crystallize, ito ay susundan kaagad ng glucose component ng honey. Ang glucose ay hihiwalay sa fructose upang mamuo as crystal solids.
Mas madaling mag crystallize ang mga honey mula sa mature beehives gaya ng aming Raw Wild Honey. Hindi namin sinasama sa pag-ani ang mga bahay-pukyutan upang mabilis dumami ulit ang honey. Ang resulta ay mas matured hives at mataas na glucose content kontra fructose.
Kapag nag crystallize ang honey ay iinitin lamang ng hindi humigit sa 60°C upang hindi masira ang mga pollens, enzymes at original vitamins and minerals.

9.      Why is your honey so expensive? [Bakit sobrang mahal ng inyong honey?]
 Sagot:
Mahal tingnan ang presyo ng aming Raw Wild Honey dahil nakalagay sa lagayan na pang wholesale. Pero kung tutuusin, mas mura ang kanyang unit cost dahil wholesale price.

10.  Why is your honey so cheap? [Bakit sobrang mura ng inyong honey?]
 Sagot:
 
 Mura lang ang aming honey dahil hindi pa dumaan sa napakaraming middle men. Tanging mga harvesters lamang namin ang mga binabayaran. Pagkatapos nito ay direkta na sa mga customers at wholesale price.

11.  Why is your honey different from others? [Bakit kakaiba ang honey ninyo?]
 Sagot: 
Ang aming honey ay galing sa mga pukyutan. Ganunpaman, magkakaiba pa rin ang honey kahit magkaparehong bee.
Ang bawat honey ay unique ayon sa uri ng puno na pinamugaran ng bahay-pukyutan at sa uri ng pinagkuhanan ng nectar.
Dahil dito, kahit mismo ang mga Wild Honeys namin ay magkakaiba ayon sa pinagkuhanang beehive.  

12.  Do you accept COD payment? [Tumatanggap ba kayo ng COD sa pagbabayad?]
 Sagot:
Hindi kami tumatanggap ng COD para sa seguridad na ang aming produkto ay malinis at hindi kontaminado kapag ito ay tinanggihan ng pinadalhan dahil hindi pumasa sa kanyang expectation or preferences.

13.  How to be sure you are legit? [Paano masisigurong kayo ay tunay?]
Sagot:
Hindi kami nagtatago. Mayron kaming online presence gaya ng Facebook page at Web Page na maaring kontakin sakaling mayroong problema sa produkto at sa pagbabayad.

14.  How to order and make payment? [Paano bumili at magbayad sa inyo?] 
Sagot:
Sumangguni lamang ng direkta sa FB Page through messaging o Web Page through Contact Us para sa inyong order at pagbabayad.
Ipapadala namin ang honey via Flash. Maaring magbayad sa BDO, GCash, SmartPadala, Palawan Pawnshop, atbpa. ->Pakitingnan dito para sa karagdagang impormasyon<-.
                   

Featured Post

Wild vs. Cultured Honey : Aling mas Magaling?

Raw vs. Processed Honey: Alin ang Mas Maganda? (Which is Better?)

Aning Ligaw, Matamis ang Hiyaw: How Honey Gets from Hive to Table