Dangers of Fake Honey

Maraming naglipanang pekeng produkto kagaya ng honey hanggang sa internet. Pero maaring maiwasang maloko gamit ang tamang impormasyon na mababasa rito.

Sa ngayon na lalong mahirap ang hanapbuhay dahil sa epidemyang COVID, kailangang masulit natin ang paggastos ng bawat sentimo. 


Kaya kinakailangang maging maingat sa mga pagkakagastusan at higit sa lahat, huwag magpaloko sa pamilihan. 


Marahil ay alam mo na ang mga naglipanang pekeng produkto hindi lamang sa mga grocery store, kundi’y maging sa internet. Kaya maraming nagsasabing dalang-dala na silang mamili sa internet. Hindi na bago ito lalung-lalo na sa mga bangketa. 


May mga iilang dahilan kung bakit naloloko o napipeke ang tao sa pagbili sa mga tiangge at sa internet:

  • Walang gabay o kulang sa impormasyon sa online buying at mga dakong pamilihan.
  • Hindi gumawa ng research tungkol sa produktong nais bilhin at hindi kinilatis ang online store o seller nito.
  • Iniasa ang desisyon sa mga sabi-sabi o haka-haka ng mga tao harapan man, o sa Facebook at iba pang social media.
  • Nagtiwala sa mahusay magsalita [sales talk] kahit walang pinagbabasehang prinsipyo.
  • Bumili sa “fly-by-night” na tao na sumulpot lamang at walang geographical or online presence.

Maaring mangyari ang mga ito kahit kanino. Produkto man o serbisyo ang hanap mo online. 


Isa sa mga produkto na madalas ginagamit sa panloloko ay ang honey. Alam ng marami ang pakinabang ng honey. Hindi lamang ito matamis at masarap, ito ay masustansiya rin dahil pagkain ito ng mga bee larvae o mga sanggol na  buboyog. Kaya marami ang naghahangad na makabili ng honey dahil sa benepisyo nito.


Suriin natin ang ilang benepisyo ng honey ayon kay Dr. Luther Daguimol.


Sabi ng doctor na nagpa practice ng alternative medicine, ang pulot ay tumutulong laban sa

  • Cancer and heart disease
  • Hyperacidity and other gastro intestinal disorder
  • Urinary tract infection
  • Asthma
  • Diarrhea
  • Sexual dysfunction
  • Regulates blood sugar
  • Wound
  • Burns
  • Strengthen immune system
  • Bacterial fungal infection
  • Anti-inflammatory
[Babala: ang honey ay bawal sa mga bata 1 taon pababa]


Kaya lamang, ang nabanggit na honey ay hindi pangkaraniwan ang presyo.


May mga honey sa grocery stores, pero karamihan ay nakakahalatang may kulang ito kahit sa panlasa.

 Sadyang may hinahanap ang mga tao na wala sa mga honey sa supermarkets. Dito naman pumasok ang mga mapagsamantala. 


Naglipanan ang mga nag-aalok ng “totoong honey kuno”; pagsasamantala sa mga naghahanap ng pulot na maraming pakinabang sa katawan.


Gaya ng karamihang manloloko, pera-pera lang ang usapin. Walang pakialam kahit dulot nito ay kapahamakan sa kapwa.




Mayroong dalawang kategorya ng pekeng honey.
  • Fake honey
 
Ito ay gawa sa asukal na may halong pampalapot. Karaniwang ginagamit ay kalamansi o corn starch. Maasim-asim ang lasa. Ang ginagaya ng honey na ito ay ang cultured honey malapit sa mga maaasim na fruit bearing trees. 


Ito ang common sa ating bansa; madalas matatagpuan sa mga bangketa o hindi kaya ay nilalako. Mayroon ding galing China na nilagyan ng flavoring para maglasang tunay na pulot.

  • Adulterated honey
Ito ay pinaghalong genuine honey at fake honey.Talamak ito sa America, China, Europe at iba pang mga hi-tech na bansa.


Ginagawa nila ito para salbahin ang nalalabing honey matapos ito pagkuhanan ng mga sangkap na kailangan sa paggawa ng food supplements at iba pang industrial raw materials.


Bago nilagyan ng high-fructose corn syrup ang tirang honey, dumaan ito sa ultra-filtration process para kunin ang mga bee pollens, enzymes, vitamins and minerals kasama na ang mga suspended honeycomb traces. Ang karamihan sa mga na extract ay sangkap sa mga ginagawang food supplement.


Talagang hindi maganda ang fake at adulterated honey, dahil maliban sa hindi sulit sa perang iyong ibinayad, masama rin ang epekto nito sa kalusugan.
Karamihan sa atin ay umaasa na maganda sa katawan ang nabiling honey. Pero kung ito ay peke at kargado sa processed sugar, siguradong makakasama ito. Dahil kokonsumuhin natin ito na alang alinlangan bilang tunay na honey.


Kung nais ninyong makakasiguro sa tunay na honey at maiwasan ang peke. May References kami na maari ninyong basahin para magkaroon ng sapat na impormasyon sa honey na nais ninyong bilhin. Sundan lang ang -->link na ito<--.

Kung meron kayong katanungan, pakibasa ng Frequently Asked Question [FAQ].

Kung kayo ay desididong bumili ng honey ngayon, nasa eksaktong pagkakataon dahil mayron kaming limited FREE SHIPPING at WHOLESALE PRICE as opening offer.




Mag-order lamang po sa ->>FB Page<<- namin. 
Maraming salamat.


Comments

Featured Post

Wild vs. Cultured Honey : Aling mas Magaling?

Raw vs. Processed Honey: Alin ang Mas Maganda? (Which is Better?)

Aning Ligaw, Matamis ang Hiyaw: How Honey Gets from Hive to Table