Isipin mo 'to: nasa gitna ka ng kagubatan, sa kalamigan ng simoy ng hangin sa umaga. Sa itaas ng puno ay may isang pangahas na honey hunter na kumukuha ng pulot mula sa isang punong punô ng bubuyog. Ang dali lang pakinggan ’di ba? Pero ang pag-aani ng wild honey ay hindi lang adventure—it’s hard work na may malaking epekto sa kalikasan at kabuhayan ng mga tao. Farmed vs. Wild Honey Harvesting sa 'Pinas: May dalawang klase nang pagkukuhanan ng honey: Farmed Honey: Galing sa mga bee farms na may kahon-kahon na hive. Gumagamit ang iilan ng smoke para pakalmahin ang bubuyog, tapos tinatanggal ang frames para i-extract ang honey (gamit ang centrifuge). Hindi naaabala ang queen bee o colony—kaya sustainable ito. Ginagawa ito ng mga beekeepers sa Mindoro, Batangas, Bukidnon, at iba pang lugar. Wild Honey: Galing ito sa bubuyog sa gubat—'di nila tirahan ang kahon, kundi sa kuweba, matataas na puno, o bangin! Indigenous groups like the Tagbanua sa Palawan o Mangyan sa Mindoro a...