Dangers of Fake Honey

Maraming naglipanang pekeng produkto kagaya ng honey hanggang sa internet. Pero maaring maiwasang maloko gamit ang tamang impormasyon na mababasa rito. Sa ngayon na lalong mahirap ang hanapbuhay dahil sa epidemyang COVID, kailangang masulit natin ang paggastos ng bawat sentimo. Kaya kinakailangang maging maingat sa mga pagkakagastusan at higit sa lahat, huwag magpaloko sa pamilihan. Marahil ay alam mo na ang mga naglipanang pekeng produkto hindi lamang sa mga grocery store, kundi’y maging sa internet. Kaya maraming nagsasabing dalang-dala na silang mamili sa internet. Hindi na bago ito lalung-lalo na sa mga bangketa. May mga iilang dahilan kung bakit naloloko o napipeke ang tao sa pagbili sa mga tiangge at sa internet: Walang gabay o kulang sa impormasyon sa online buying at mga dakong pamilihan. Hindi gumawa ng research tungkol sa produktong nais bilhin at hindi kinilatis ang online store o seller nito. Iniasa ang desisyon sa mga sabi-sabi o haka-haka ng mga tao harap...